Goon ni Gov. Migz Villafuerte Hinuli Matapos Pagtangkaan ang Buhay Ni Cong. Nonoy Andaya

Nuong 2016, dineklara ng Philippine National Police na naging “most peaceful” ang elections sa Bikol Region. Pero sa susunod na taon, baka mabaliktad ito dahil sa kagagawan ng kampo nila Migz Villafuerte na desperadong manatili sa pwesto bilang gobernador ng Camarines Sur.

Ayon sa pulis na nakamanman sa CamSur Provincial Capitol, isang security officer na nasa payroll ng mga Villafuerte ang nagtangkang barilin si Congressman Rolandao “Nonoy” Andaya nuong October 16 habang nagfa-file ito ng Certificate of Candidacy para sa pagka gobernador ng Camarines Sur.

Kinilala ang security officer at pinaghihinalaang hitman ng mga Villafuerte na si Ray John Tubana Musa. Sa report ng mga pulis, tangkang inumangan ng baril ni Musa si Andaya nung lumabas ito sa Provincial Capitol Building.

Na recover kay Musa ang isang 38 caliber Smith and Wesson na may limang bala. Walang serial number ang baril ni Musa. Inaresto na si Musa at sinampahan ng kasong attempted murder pati ng illegal possession of firearms. Ganito na ba talaga ka desperado ang mga Villafuerte na magpapadala sila ng tao para patayin ang makakatunggali ni Migz sa pagka gobernador ng Camsur?

Hindi na rin masisisi kung maghinala ng masama ang mga tao sa Camarines Sur, lalo na’t nitong taon lamang eh ang dami nilang magsasakang inipit at tinambakan ang kalsada papunta sa sinasakang lupa. Ilang dekada nang hawak sa leeg ng mga Villafuerte ang mga taga Camarines Sur at malayang ginagamit ang kaban ng bayan na parang sarili nilang ATM.

Hanggang kelan ba titiisin ng mga taga CamSur ang paghahari-harian ng mga Villafuerte? Nakakasukang isipin na sinisikmura ng mga taga CamSur ang asal ng mag-amang Lray at Migz Villafuerte.

Biruin niyo na lang, habang nagdidildil ng asin ang karamihan ng mga kababayan nila, ang kapal ng mga mukha nila Migz at Lray na ipakita sa kanilang mga social media ang pag-iikot nito sa mga exclusive na mga resort at paglamon ng masasarap na pagkain.

Tapos, nung nagkaruon ng kakulangan ng bigas (dahil inipit ng mag-amang Villafuerte ang supply nito sa tulong ng ilang tiwaling opisyal ng NFA), binentahan pa nila ng NFA rice imbis na binigyan na lamang. At ang kaungasan pa nila, pinatungan pa ng 10 piso kada kilo!

Tama nga lang na tapusin na ang mga political dynasty, unahin na sana ang mga Villafuerte ng Camsur!

Source: Get Real Philippines

Share it on Facebook
Share it on Twitter
Share it on Pinterest
Talk about it on Reddit
Close Menu