Unfinished Proposed Covered Court By Luis Raymund “L-Ray” Villafuerte

Ang hindi tapos na covered court sa Baranggay Cagbunga, Camarines Sur na ipinagawa umano ni Gobernador Luis Raymund "L-Ray" Villafuerte

Makikita sa unang litrato na ito na kalahati lamang ng proposed “covered court” na ipinagawa ng dating gobernador ang natapos. 

Sabi ng mga residente na pati mismo ang itong mga ring ng court ay hindi pa raw kasama noong naitayo ang nasabing covered court. Sa laki ng pondong inyong nakuha mula sa taong bayan hindi namin maisip kung bakit haggang sa mismong pag papagawa ng court ay titipirin niyo pa.

Naging half covered court na lamang ito at mawawalan ng silbi ang iyong proyekto dahil ito rin pala ay mag sisilbing multipurpose covered court. Papaano na ang iyong mga kababayan na nangangailangan nito?

Makikita sa susunod na mga larawan ang iba pang kuha ng ating mga kababayan na humihingi ng hustisya sa proyektong hindi natapos ng gobernador.

Ang nakakapagtaka rito ay saan na napunta ang natitirang budget para sa “covered court” na ito? Hinangad ng taong bayan ang tapat niyong serbisyo dahil sila mismo ay nag babayad ng buwis. Ngayong mag eeleksyon nanaman papayag ba kayo na ganito ang serbisyong inyong matatanggap?

Share it on Facebook
Share it on Twitter
Share it on Pinterest
Talk about it on Reddit
Close Menu